Guest: GERALD GALINDEZ | Alkoholik Medya Noche
- Dalit Zamboanga del Sur
- Jan 5, 2022
- 1 min read
Dec. 31, 2021
11:12 PM
Bago pa mabuang ang mga aso ngayong gabi—
Sa mga sulok ng bahay
Bago pa mag putok ang mga batok
At magsabog ang mga bakos at butones
Bago pa mag watusi ang bunga-nga ng naga yawyaw na naga maoy
Na lasing na balakero
Bago pa yakapin ng kaluluwa ng pulbura
Ang tun-og at yamog
Ang mga daanan, mga plaza, at mga kusina
Ihanda ko na ang lana
Ipahid ko sa kuto-kuto hanggang sa likod
Kasama ang mga panalangin ni Lola
Mag inat ang mga kamay at pakpak
Maglipad ako sa pinaka mataas na mga ulap
Yung hindi maabot ng mga kwitis
at ingay at lason
Hayaan ko lang muna, mag idlak idlak, mag igpat-igpat ang lupa
Hintayin ko maghawan
Ang mga ulap ng kamatayan
Na parang uhong at dikya na itim naga palutang lutang
Pag tapos na ang putukan
Pag tapos na ang palakasan
Pag tapos na pahambugan
Ng mga ilaw, at mga handaan
Buong taon ko din ito gihintay
Mga alas tres
Ako naman mag media noche
Isang lasing na nagalakad sa kalye
Gerald Castillo Galindez is a poet and musician from Tacurong City, Sultan Kudarat. He mixes Tagalog, Binisaya, Ilocano and Hiligaynon in his writings and he has several collections including Ginapasaya Mo Ako and other Poems (2018) and Maalikabok Ka Lang Pero Kaganda Mo and other Poems (2019). A recipient of various recognitions and awards, he was one of the panelists during the Pagadian Writers Workshop held on March 24-25, 2021.
About the piece
This piece was shared by the author in a group chat that included the panelists, fellows, and organizers of the first PaWW.





Comments