Lucky Garcia Lagura | Lake Dasay
- Dalit Zamboanga del Sur
- Dec 20, 2021
- 1 min read
Kung ating paglalaanan lamang ng panahon.
May tanawing nakakaagaw atensyon sa dako paroon.
Tila baga’y may kung ano roon…
Tila sinasambit ng pagkakataon…
Hinto!
Masdan mo ako!
Damhin mo ang haplos ng hangin.
Pakinggan mo ang isang lihim na panalangin.
Namnamin mo ang ganda ng tanawin.
Palayain ang isip sa mga alalahanin.
Isuko ang sarili sa akin!
Kapayapaang hatid ko’y tanggapin.
Nakabibinging katahimika’y suriin.
Bagkos, laman ng puso’y tuklasin.
Buksan ang puso’t diwa
Sarili’y hayaang maging malaya.
Mapayapang tanawing angkin…
Sa iyong mahika ako sana’y akayin.

Lucky Garcia Lagura is a Teacher III at Toribio Minor National High School. She tries to express herself through poetry.
About the piece
"I am a resident of San Miguel. And this is how I feel every time I get to visit Lake Dasay... I love the view..."
-Note from the author




Comments